May mag-amang ulila na sa asawa't ina na taga probinsya, kung saan lumuwas sa Maynila upang magbakasakaling makaahon sa kahirapan. Hanapbuhay nilang mag-ama ang magtinda ng kwek-kwek sa may gilid ng kalsada. Habang nagluluto ang mag-ama na si Manag Mario biglang nakarinig ito ng putok sa may di kalayuang lugar sa kinatitirikan ng kanilang bahay. Sa una, hindi niya ito pinansin, patuloy pa rin siyang nagluluto habang ang anim na taong gulang na anak naman na si Pablo ay abala sa kakaakit sa mga tao na bumili sa kanilang luto. Nang nakarinig ang mag-ama ng pangalawang putok, hindi na ito pinalagpas na suriin ang pangyayari. Nang pinuntahan na na ng mag-ama ang pinangyarihan ng putok ay nadatnan na lamang nila ang isang taong nakahandusay sa may kalsada. Habang pinagtutuunan ng pansin ng mag-ama ang taong napatay, nagtutunugan ang busina ng sasakyan ng mga pulis na paparating sa pinangyarihan ng mismong krimen. Nang dumating na ang mga ito, biglang pinataas ang kamay ni Mang Mario ng isang Hepe ng mga pulis. Dinala sila sa presinto at dito na binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Habang patuloy ang kakatanong ng isng hepe kay Mang Mario, patuloy din ang kakaiyak ni Pablo. Sa mga tanong ng Hepe ay napapahiwatig na dinidiin na may sala itong si Mang Mario hanggang nabigyang hatol na ikulong ito habang buhay at makakalabas lamang kung mababayaran ang halagang mahigit kumulang sa isa't kalahating milyong piso. Walang magawa si Mang Mario kundi tanggapin ang kahatulan, pipilitin man niyang ipagtanggol ang kanyang sarili pero wala naman itong pera pambayad ng abogado. Ipinasok sa bilanggoan na siya sa bilangguan at ang kanyang ikinababahala ay ang magiging kalagayan ng kanyang anak. Kung kaya't naisipan niyang kausapin ang Hepe para kupkupin si Pablo at hindi naman ito tinanggihan ng Hepe dala ng kanyang awa. Itinuring anak na ng Hepe itong si Pablo, pinapakitaan ng magagandang pakikisama hanggang napamahal na rin ito.
Makalipas ang sampung taon, nakapagtapos na ng sekundarya itong si Pablo. Hanggang pinagpatuloy nh Hepe na paaralin ito sa kolehiyo upang maging Pulis din ito si Pablo. Habang nag-aaral itong si Pablo, patuloy pa rin siyang bumibisita sa kanyang ama sa bilanggoan. Sa lahat ng pagkakataong bumibisita ito sa kanyang ama, ang laging sinasabi niya ay " Tandaan mo Itay kapag nakapagtapos ako sa aking pag-aaral, pinapangako kong makakalabas ka sa bilanggoan dahil ako mismo ang hahawak sa kaso mo. Papatunayan ko sa kanila na inosente ka lamang at mananagot ang sinumang nakapatay 'nun." Habang papalapit na ang araw ng pagtatapos ng pag-aaral ni Pablo ay humihina na ang pangangatawan ng kanyang ama dahil sa katandaan nito. Nang nakapagtapos na ito, walang ibang inaatupag niya kundi ang kakasuri at kakaimbestiga sa kasong kinasasangkutan ng ama. Nagtanong-tanong ito sa mga mga kalapit bahay na pinangyarihan ng krimen subalit wala pa rin siyang nakukuhang ebidensiya. Dahil sa pangakong binitawan sa ama, wala siyang magawa kundi ipagpatuloy ang kanyang ginagawang imbestigasyon.
Isang araw, tumawag itong si Pablo sa kanyang tatay-tatayan na si Hepe dahil yayayain sana ito na kumain sila sa labas. Patuloy ang kanilang tawagan na umabot na sa limang minuto ang nakakalipas, hanggang may taong pumasok sa opisina ni Hepe kaya ibinaba ni Hepe ang kanyang cellphone na hindi pinutol ang koneksyon ng kanilang tawag ni Pablo. Inaakala ni Pablo na may kinuha lamang si Hepe kaya hindi rin niya pinatay ang tawag. Sa hindi inaasahang pangyayari, narinig ni Pablo ang pinag-uusapan ni Hepe at 'nong taong pumasok sa opisina, pinag-uusapan nila ang tungkol sa kaso ng kanyang ama. Ito ang narinig niya, (taong pumasok sa opisina) " Hindi kaba nakokonsensya sa ama ni Pablo? Hindi ba ikaw ang pumatay sa taong nabintang na pinatay ni Mang Mario". (Hepe) "Huwag kang mag-alala hindi ba ikaw lang naman ang may-alam na ako nga ang pumatay". Habang patuloy na nakikinig si Pablo, napaiyak siya dahil Kung bakit ang taong itinuring niya na bilag ama ang siyang nagpapahirap sa kanyang buhay at ama.
Matapos niyang napakinggan, agad-agad na pinuntahan niya si Hepe sa opisina at tinanong kung totoo nga ba ang kanyang napakinggan sa cellphone. Sa unang pagkakataon, itinanggi ito ni Hepe subalit ng sinabi na ni Pablo na narining talaga niya ang pinag-uusapan nina Hepe ay bigla itong napaluhod sa harapan niya at humingi ng tawad. Dahil sa konsensya ang nangingibabaw sa puso't isipan ni Pablo wala siyang magawa kung kaya't sinabihan na lamang ni Pablo itong si Hepe na " tatanggapin ko lamang ang iyong paghing ng tawad kung mapapatunayan mo sa lahat na ikaw ang may sala at lalaya na si Itay". Sa oras na iyon, nagkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ni Pablo at pinutahan agad niya ang kanyang ama sa bilanggoan subalit may hindi inaasahang pangyayari, nadatnan na lamang niya na dinala na sa punirarya si Mang Mario dahil naninigas na siya. Sinasabing ang sanhi ng pagkamatay nito ay dulot na ng katandaan. Isang napakalungkot na naranasan ni Pablo, napawalang bisa na nga ang kaso ng kanyang amo subalit huli na ang lahat. Mula sa aray na iyon, litong-lito na si Pablo dahil wala na siyang masasandigan pa kaya halos nasisiraan na siya ng bait.
Pagkalipas ng ilang araw, naging ulo ng balita sa dyaryo ang kalunos-lunos na pangyayaring pagkamatay ni Pablo. Sinasabing suicide ang naging sanhi ng pagkamatay niya.
THIS IS MY OUTPUT IN FILIPINO IV
No comments:
Post a Comment